-- Advertisements --
dpwh logo

Inanunsyo ng  Department of Public Works and Highways na natapos na nila ang P260-M halaga ng proyektong Simulao parallel bridges sa Agusan del Sur.

Ito ay inaasahang magbibigay ng maayos at mabilis na pagbyahe ng mga goods at  services sa mga kalapit na bayan, lungsod  at probinsya sa  Northeastern Mindanao at mga katabing rehiyon.

Ayon kay DPWH-13 Director Engr. Pol M. delos Santos, mahalaga ang tulay na ito para magbukas ng lasugan sa Agusan patungong Davao Section ng Daang Maharlika .

Inaasahan rin itong magkokonekta sa ilang lugar sa Mindanao at nalalabing bahagi ng bansa.

Ito ay may dalawang lane na may walong pier at may kabuuang haba na  140 lineal meters at  roller barriers na may light emitting diode lights na nagsisilbing gabay sa mga byahero upang maiwasan ang banggan lalo na tuwing gabi.

Magbibigay rin ang proyektong ito ng kaginhawahan at katiyakan ng isang ligtas at pangmatagalang daan.

Kung maaalala, nagtayo ng konkretong parallel bridge ang ahensya sa naturang lugar ilang taon na ang nakakaraan at ito ay bumigay noong 2000s matapos tumama ang malakas na bagyo sa lugar.