-- Advertisements --
Lumobo na raw sa P25.3 million ang pinsala ng bagyong Karding sa mga electric cooperative.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ito ay mula sa 12 electric cooperatives batay sa pinakahuling datos sa energy situation.
Ayon sa DOE, sa kabila nito, balik na sa normal na operasyon ang 42 electric cooperatives matapos ang patuloy na pagsasaayos sa mga sinira ng bagyong Karding.
Habang siyam naman na kooperatiba ang naka-partial power interuption na nasira sa kasagsagang ng pananalasa ng bagyo.
Sa report naman ng National Electrification Administration (NEA) 573 mula sa 606 na mga bayan ang fully energized na nasa 94.55 percent.