-- Advertisements --
image 92

Nakumpiska ang nasa P25.4 million halaga ng mga iligal na droga ang nakumpiska ng mga operatiba ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG)

Nadiskubre ang mga iligal na droga gaya ng shabu at pary drugs na nakasilid sa loob ng parcels at balikbayan boxes sa isang bodega sa may lungsod ng Pasay.

Ang nasabing parcels at balikbayan boxes ay idineklarang personal effects mula France, California at Amerika na sinubukang i-cleared sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa x-ray screening at physical examination, nadiskubre ng mga awtoridad na ang nasabing parcel ay naglalaman ng 50 gramo ng shabu, 4,897 tablets ng ecstasy, 12,000 gramo ng Kush, at mga piraso ng CBD Gummies at oils.

Kinumpirma naman ng PDEA laboratory testing na lahat ng laman ng parcel ay dangerous drugs.