-- Advertisements --

NAGA CITY- Nasa mahigit P23-M ang hinihintay na budget ng bayan ng Canaman, Camarines Sur ngayong buwan ng Disyembre mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Nelson Legaspi, sinabi nito na ito ay para sa COVID-19 quarantine facility sa naturang bayan.

Ayon pa sa alkalde, tila nakita rin ng DBM na marami-rami ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Canaman.

Ito ay maliban pa aniya sa mga project proposals na ipinasa ng lokal na pamahalaan para naman sa kalsada, mga tulay at clearing, cleaning and disselting ng water ways.

Ito ay dahil na rin umano sa mga naitatalang pagbaha sa bayan kung saan labis na naaapektuhan ang sektor ng mga magsasaka dahil sa mga baradong water ways.

Sa ngayon, umaasa ang lokal na pamahalaan ng Canaman na maaprobahan ng DBM ang kanilang requested budget sa first quarter ng taong 2021.