Sinalakay ng mga tauhan ng 4th Marine Brigade ang isang plantasyon ng marijuana sa Barangau Masjid, Pujungan. Kalingalang, Caluang sa Sulu kung saan tinatayang nasa P21 milyon ang halaga ng mga nasabing iligal na droga.
Ayon kay 4th Marine Brigade at Naval Task Group Sulu Commander Col Hernanie Songano, dalawang plantasyon ng fully grown marijuana ang kanilang sinalakay sa pakikipag-tulungan sa mga tauhan ng PDEA Sulu at Provincial Intel Unit-Sulu Police Provincial Office.
Sinabi ni Songano ang plantasyon sa may Brgy Masjid Punjungan ay pag-aari umano ng isang Utoh.
” We have burned the marijuana on site and we will continue to scour the aforesaid area to locate other possible sites of marijuana plantation,” pahayag ni Col. Songano.
Pinuri ni Joint Task Force – Sulu Commander MGen William Gonzales ang mga security forces lalo na ang mga sundalong Marines sa matagumpay nilang operasyon laban sa kampanya sa iligal na droga.
“Our Marines were also able to locate four marijuana plantations last 2020. This clearly demonstrates what we can achieve through joint efforts. It is also important to note that the locals are now very active in reporting illegal activities such this,” pahayag ni MGen. Gonzales.