CAGAYAN DE ORO CITY – Nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) ang nasa 320 drums ng hydrochloric acid na pangunahanging kasangkapan paggawa ng drogang shabu ng tinangka ipalusot sa daungan ng Mindanao Container Terminal (MCT) sa bayan ng Tagoloan,Misamis Oriental.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni MCT collector John Simon na nakasaad sa nakuha nila na dokumento na pagmay-ari ito ng Joken Enterprises bilang consignee subalit kahit anino man lamang ng may-ari o representante ay hindi nagpakita para ma-claim ang kontrabando.
Inihayag ni Simon na ang nabanggit na mga kemikal ay nagmula pa sa bansang India na ipinuslit sa daungan ng probinsya para posibleng dalhin sa ibang bahagi ng bansa.
Dagdag ng opisyal na nagkahalaga o mayroong estimated market value ang nakumpiska na kemikal na higit P20 milyon.
Kauganay nito,nakig-ugnayan ang BoC sa Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA-10) sa pamumuno ni Director Emerson Rosales para pormal na maturn-over ang kontrabando para sa posibleng pagsira nito.
Magugunitang rehiyon ng Northern Mindanao ay maraming beses na rin na nagsilbing transhipment area ng mga kontrabando mula sa ibang mga bansa para sa mga grupo ng sindikato na kumikilos dito sa Pilipinas.