CEBU CITY – Aabot sa P20 million worth of illegal drugs ang nasabat mula sa isang “bodegero” o stockman sa buy bust operation sa City Drug Enforcement Unit ng Cebu City Police Office sa may 6th Street Barangay Apas, Lungsod ng Cebu.
Kinilala ang subject na si Elmer Bas Gallarde, alyas Budol o Bordz, 35-anyos na residente ng JM Street sa Barangay Sawang Calero.
Base sa report, isa itong high value target regional level.
Nakuha mula sa kanya ang tatlong kilo ng shabu na may “DDB” value na P20.4 million.
Kaugnay nito, nang tanungin ng mga operatiba ang subject kung sino ang mga koneksyon nito, agad naman itong “kumanta” kaya agad ding nagsagawa ng follow up operation ang pulisya.
Aasahang madadagdagan pa ng kilo-kilong shabu ang nakumpiska ng mga pulis.
Samantala, kinumpirma ni Barangay Apas Kapitan Jingjing Cabigon sa Bombo Radyo Cebu ang naturang operasyon at sinabi nitong “renter” lang sa kanyang barangay ang nadakip.