Iniulat ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang pagnanais ng maraming mamumuhunan mula sa Taiwan na maglagak ng pondo sa Pilipinas.
Batay sa ulat ng PEZA, kabuuang P20.6 billion na halaga ng pamumuhunan ang ipasok ng mga Taiwanese investors sa iba’t-ibang sektor ng pagnenegosyo sa bansa.
Una rito ay nakibahagi ang PEZA sa ibat ibang business-to-business (B2B) meetings kasama ang mga potensyal na investors na unang nagpakita ng interest na mamuhunan sa Pilipinas.
Ayon sa PEZA, interesado silang pasukin ang ibat ibang sektor, katulad ng manufacturing, food industry, at iba pang industriya.
Inihalimbawa ng PEZA ang pangako ng isang kumpanya na P7.95 billion na ilalagak sa sektor ng enerhiya dito sa bansa.
Maliban dito, isang manufacturing company rin ang nangakong maglagak ng P681.84 million para sa extension nito sa Pilipinas.
Ayon sa ahensiya, tuloy-tuloy pa rin ito sa paghikayat ng mga mamumuhunan hindi lamang sa Taiwan kundi maging sa iba pang bansa.