-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Halos P2 billion ang halaga ng napinsalang tanim na mais kapag pagsamahin ang partially damage at totally damaged dahil sa naranasang madalang na pag-ulan sa Region II.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA-II, sinabi nito na pinaka-apektado sa madalang pag-ulan ang Isabela at Cagayan.
Aabot aniya sa 45,000 ektaryang tanim na mais ang naapektuhang ng tagtuyot, kung saan 1,500 hectares dito ang totally damaged.
Tinatayang aabot sa 33,439 magsasaka ang apektado, subalit nakikita nila itong madadagdagan pa dahil hindi pa updated ang bilang.
Bagamat umulan sa mga nakalipas na mga araw ay hindi na umabot para sa mga mais na nasa reproductive stage pa lamang sa ngayon.