Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaking regional level high value individual matapos makumpiska ng mga otoridad mula sa posisyon nito ang P2.3 million pesos na halaga ng shabu sa isinagawang buybust operation noong Sabado ng gabi, Disyembre 17, sa Brgy. Mambaling nitong lungsod ng Cebu.
Kinilala ang naaresto na si Bienvinido Atillo Jr. alyas Purok.
Nakumpiska mula sa posisyon nito ang 350 na gramo ng shabu.
Inihayag ni Cebu City Police Office Director PCol Ireneo Dalogdog na dati nang nakakulong si Atillo dahil sa kaso sa ilegal na droga ngunit naghain ito ng plea bargain noong taong 2020.
Kabilang din umano ang suspek sa drug watchlist.
Makapagdispose pa ng droga ang suspek sa mga lugar ng Barangay Mambaling at mga kalapit na bayan at lungsod sa Southern Cebu.
Base rekord ng pulisya, ang source ng suspek sa droga ay mula sa isang kinilalang Joseph na kasalukuyang nakadetain sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center(CPDRC).
Sa ngayon, nahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.