-- Advertisements --

Kabuaang P2.6 billion ang nakalaang ayuda para sa “critically-impacted businesses” sa transportation sector sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Steve Pastor na para sa road sector, mayroong proposed fuel subsidy at cash grant sa mga apektadong stakeholders, partikular na sa mga public utility jeepney operators at drivers.

Bagama’t pinahintulutan na aniya ng DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang gradual at calibrated resumption ng mga pampublikong sasakyan sa mga lugar na nasa general community quarantine status, umiiral pa rin ang physical distancing protocols na dahilan kung bakit limitado pa rin sa ngayon ang kita ng mga PUJ operators.

Ayon kay Pastor, ang ibibigay ng fuel subsidy ay maaring sa pamamagitan ng one-time cash grant o fuel vouchers, na equivalent sa 30 percent ng daily fuel consumption ng mga PUJs.

Para naman sa aviation sector, sinabi ni DOTr Undersecretary Gary De Guzman na mayroon ding nakalaang subsidy para sa mga airline companies na critically-impacted sa pandemya.

Ang pondo para rito ay gagamitin para i-waive na ang airport fees at charges, pati na rin ang landing fees ng mga ito.

Samantala, pagdating naman sa maritime sector, sinabi ni De Guzman na balak ng Philippine Ports Authority (PPA) na o-waive ang ilang charges para sa mga RORO operators at shippers.