Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sinira na nito ang nasa Php19.9 billion na halaga ng ilegal na droga na kanilang nasamsam mula sa kanilang mga operasyon.
Ayon sa ahensya, ang 3.7 tons ng mga narcotics itinuturing ngayon na pinakamaraming ilegal na droga na kanilang nasabat ay sinira na sa pamamagitan ng thermal decomposition sa isang waste management firm sa Cavite.
Kabilang dito ang nasa Php 18.4 million na halaga ng shabu, Php 36.8 million na halaga ng marijuana, Php 2.1 million na cocaine, at Php 1.3 million na halaga ng club drug na ecstasy.
Bukod sa PDEA, ay sinaksihan din ng ilang representatives ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno ang ginawang pagsira sa naturang mga droga bilang pagtugon naman sa guidelines na alinsunod sa Dangerous Drugs Act of 2022.
Kung maaalala, una nang ipinangako ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpapatuloy nito ang pakikipaglaban kontra ilegal na droga kasabay ng pagbibigay ng atensyon sa prevention at rehabilitation nito.