-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Budget and Management na naglaan ito ng nasa kabuuang Php19.9 billion na halaga ng pondo ngayong taong 2024 para sa emergency allowance ng mga health workers.

Ayon kay Budget secretary Amenah Pangandaman, layon nito na tiyaking equipped ang mga health workers lalo na sa panahon ng krisis.

Aniya, ang naturang benepisyo ay kabibilangan ng probisyon ng healh emergency allowance bilang suporta naman para sa hindi matatawarang benepisyo ng mga health workers sa bansa.

Ang naturang pondo ay kinabibilangan din ng nasa Php73..26 nillion para sa Health Emergency allowance o One COVID 19 allowance, Php 12.90-billlion para sa Special Risk allowance, P3.65 billion para sa COVID-19 Sickness and benefits, such as meal, accommodation, and transportation allowance.

Samantala, sa ngayon ay naipamahagi na ang nasa Php64 billion na pondo sa DOH para sa mas mabilis pagbibigay nito sa mga healthcare workers.