-- Advertisements --

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang milyun-milyong halaga ng covid-19 items na hindi maayos na naipamahagi ng Department of Health (DOH) para sa mga recepients.

Sa 2021 audit report ng COA noong buwan ng Agosto, natuklasan ng COA nasa P185,602,876 halaga ng covid-19 items ang hindi natanggap o wala talagang natanggap ang intended recepients o di naman kaya ay kulang o sobra ang naibigay.

Ayon pa sa COA, nasa P166.2 million halaga ng maling items na ipinadala para sa Cagayan Valley Center for Health Development (CHD), the Southern Isabela Medical Center, at Ninoy Aquino Stadium COVID site.

Mayroon ding P54 million natanggap ng Office of the Civil Defense habang ang P108.6 million natanggap ng mga indibidwal o ahensiya na hindi na tinukoy.

Sinabi din ng COA na nasa 150,000 masks na nagkakahalag ng P3.4 million ay ipinadala sa Caraga CHD sa halip na sa Northern Mindanao CHD.

Nasa P18.5 million ang hindi natanggap na items ng Northern Mindanao CHD, the Dr. Jose Rizal Memorial Hospital, Margosatubig Regional Hospital, Department of the Interior and Local Government, Department of Education, at Maria Lourdes Maternity Hospital.

Samantala, nasa P835,402 ang halaga na nagpapakita ng discrepancies sa quantities indicated at actual quantities na natanggap sa Metro Manila CHD at Caraga CHD.

Nagreresulta aniya ayon sa COA ang inefficiency sa distribution system ng government assets na ma-expose sa risk of loss, misuse at wastage.

Ang naturang mga items ay binili sa pamamagitan ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) gamit ang pondo na trinansfer ng DOH. Ginawa ng PS DBM ang deliveries ng covid-19 items sa pamamagitan ng third-party logistics.

Kaugnay nito, inirekomenda ng COA sa Health secretary na ,agbigay ng dokumento na magpapatunay na ang covid-19 related supplies ay idineliver ng PS-DBM sa mga natukoy na recipients.

Inirekomenda din ng COA sa DOH na magkaroon ng epektibong distribution system para sa mas maayos na polisya at procedures para matiyak na on time at kumpletong maipapamahagi ang lahat ng items para sa mga intended recipients.