-- Advertisements --

Pinasusuri ng Commission on Audit ang operasyon ng Philippine Aerospace Development Corporation (PADC) matapos mabatid ang pagkalugi nito ng halos P180-milyon sa loob ng anim na taon.

Batay sa audit report ng COA noong 2018, nabatid na hindi na nago-operate sa ilalim ng mandato nito ang naturang government ownned corporation.

Mula 2013 hanggang 2017 aaboy sa halos P150-milyon umano ang nalugi sa PADC, samantalang noong nakaraang taon ay nadagdagan pa ito ng halos P30-milyon.

Masyadong malaki mula sa halos P6-milyong kinita nito at ttaliwas sa higit P30-milyon na ginastos ng kompanya.

Natukoy din ng COA ang paggastos ng PDAC ng higit P40-milyon para sa pag-renta ng hangars noong 2018.

Kabi-kabilang problema pa ang napuna ng state-auditors sa korporasyon gaya ng tax dispute nito sa Bureau of Internal Revenue at expired na accreditation sa Civil Aviation Authority of the Philippines.

Bukod dito, naka-blacklist daw ang PDAC sa Philippine Navy, gayundin na mababa ang kalidad ng mga pasilidad nito.

“PADC is no longer performing its core mandate, which warrants a comprehensive review of its structure, policies, financial capability and business market to determine the sustainability and economic viability of its continued existence.”

Kaugnay nito nangako si PDAC president Steve Siclot na aayusin ang lahat ng gusot na kinasasangkutan ng korporasyon.

Nilinaw din ng opisyal na matagal ng naalist ang pagka-blacklist ng PDAC sa Philippine Navy gayundin na may kasunduan sila ng Philippine State College of Aeronautics para sa maintenance ng mga eroplano.