-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sinunog upang tuluyan ng hindi na mapakinabangan ang nasa P18 milyon na halaga ng droga na shabu kasama ang marijuana at expired medicines sa loob ng thermal facility sa isang punerarya nakabase sa Cagayan de Oro City.

Ito ang pagpapaliwanag ni Philippine Drug Enforcement Agency 10 regional director Emerson Margate kasama si Police Regional Office 10 Police Brig Gen Lawrence Coop na katuwang pagsunog ng mga ilegal na droga at medisina nitong lungsod.

Sinabi ni Margate na ang pagsira ng nasa higit 2,000 gramo ng shabu at higit P600,000 na halaga ng dried leaves ng marijuana ay pag-uutos naman ng kanilang PDEA central office katuwang ang court clearance dito sa rehiyon.

Nilinaw rin nito na hanggang sa kasalukuyan ay negatibo na sa anumang paggawaan o shabu laboratory ang Pilipinas lalo na mula dito sa rehiyon ng Mindanao.

Magugunitang sinaksihan rin ang burning of illegal drugs mismo ni Prosecutor Mat Kieven Naduma mula Department of Justice at representante ng non-government organization