Nakatqkdang ratipikahan ng Kamara sa darating na Lunes, Agosto 24, ang report ng bicameral conference committee sa proposed Bayanihan to Recover as One Act, na nagkakahalaga ng P165 billion.
Sinabi ni House Deputy Speaker for Finance Luis Raymund Villafuerte na bagama’t mayroong mga contentious provisions na dahilan ng antala sa final approval ay sa huli naresolba naman ang mga ito.
Bunga aniya ito nang pagdadanis ng dalawang kapulungan ng Kongreso na maaprubahan kaagad ang Bayanihan 2, na kailangan ng taumbayan at mga negosyo para makabangon sa epekto ng COVID-19.
Nauna nang ipinanukala ng Kamara ang P162-billion pondo sa ilalim ng kanilang bersyon ng proposed Bayanihan 2 law, mas mataas kumpara sa P140 billion na inirekominda ng Senado.
Sa huli, sinabi ni Villafuerte na nagkasundo ang Senate at House panel na itakda sa P165 billion ang pondo sa Bayanihan 2 para ma-accommodate ang lahat ng anila’y COVID-battered sectors na nangangailangan ng agarang tulong sa pamahalaan sa harap ng pandemya.
“We are hoping the P165-billion outlay set in this consolidated version that will be ratified by both chambers of the Congress would just be an initial stimulus package, given the huge amount that we legislators in the House believe is needed to spell a strong and early recovery for the sectors reeling from the global economic crisis triggered by the coronavirus pandemic,” ani Villafuerte.
Ang pondo para sa Bayanihan 2 ay mangagaling sa unprogrammed funds at savings mula sa 2020 General Appropriations Act, pooled savings mula sa unang Bayanihan Law, excess revenue collections mula sa tax at non-tax sources, at revenue collections, at iba pa.
Sa ilalim ng pinal na bersyon ng proposed Bayanihan 2 Law, P50 billion ang inilalaan para sa mga government financial institutions na gagamitin naman para sa pautang sa mga apektadong sektor.
Katulad ng sa Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1, layon din ng Bayanihan 2 na bigyan ng P5,000 hanggang P8,000 ang mga apektadong low income households sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown at sa mga pamilyang may kaaanak na OFWs na kakauwi lamang ng bansa, pati na rin iyong mga displaced workers.
Pinaglalaanan din ng panukalang ito ng P600,000 na subsidiya at allowances para sa mga kuwalipikadong estudyante sa mga pampubliko at pribadong paaralan mula elementarya hanngang koleyhiyo.
Nagkakahalaga naman ng P300,000 ang alokasyon para sa one-time cash aid sa mga displaced teaching at non-teaching personnel.
Kabuuang P13.5 billion naman ang inilalaan para sa health related responses, kabilang na ang pagbayad ng P100,000 hazard pay sa mga healthcare workers, P10,000 special risk allowance sa pampubliko at pribadong medical frontliners, P3 billion para sa pagbili ng mga face masks, face shields at personal protective equipment, at P4.5 billion para naman sa construction ng temporary medical isolation at quarantine facilities.
Samantala, P13 billion ang alokasyon para sa cash-for-work programs at unmployment o involuntary separation assistance para sa mga displaced workers; P24 billion para sa direct cash o loan interest rate subsidies sa farm groups sa ilalim ng programa ng Department of Agriculture; at P9.5 billion para sa iba’t ibang programa ng Department of Transportation, kabilang na ang tulong sa mga displaced public utility divers at construction ng protected bicyle lanes.
Nagkakahalaga naman ng P4 billion ang naka-earmark para sa tourism industry, kung saan P1 billion ay para sa Tourism Road Infrastructure Programs, at P3 billion para sa cash-for-work programs at tulong sa mga dispaced workers.