Humihirit ang grupo ng mga magsasaka sa pamahalaan na magbigay ng P15,000 subsidiya para sa mga agricultural workers at mangingisda sa gitan ng banta dulot ng El Nino phenomenon.
Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas chairperson Danilo Ramos na nasa 13.6 million magsasaka, mangingisda at farm laborers ang maaaring mabenepisyuhan mula sa subsidiya base sa data mula sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture.
Ipinaliwanag ng grupo na gagamitin ang naturang subsidiya para sa gastusin sa produksiyon.
Ibinabala din ng grupo ng mga magsasaka na posibleng lubhang maapektuhan ang food production dahil sa El Nino.
Hinimok naman ng Department of Agriculture ang grupo na magsumite ng kanilang rekomendasyon para sa kanilang kahilingan.
Una ng sinabi ng Department of Science and Technology (DOST) na nasa 80 porsyento inaasahang tatama ang El Nino sa bansa sa sunod na tatlong buwan simula sa Hunyo hanggang Agosto na maaaring magtagal sa unang quarter ng 2024.