NAGA CITY – Naglabas na ng reward money ang mga otoridad para sa mas mabilis na pagkakadakip sa mga suspek na pumaslang sa mag-asawang retired teacher sa Barangay Kinalansan, San Jose, Camarines Sur..

Sa impormasyon nakalap ng Bombo Radyo Naga mula sa San Jose-Philippine National Police, nabatid na P150,000 ang nakalaang pabuya para sa sinumang makakapagturo sa mga suspek sa likod ng pamamaslang sa mga biktimang sina Ely Balcueva, 83-anyos, at Nelly Paaño-Balcueva, 86.

Nabatid na nasa stage of decomposition na nang matagpuan ang bangkay ng mag-asawa kung saan ayon kay Police Capt. Margarito Manaog, hepe ng San Jose Municipal Police Station, halos isang linggo nang patay ang mga ito bago nadiskobre.

Lumalabas sa imbestigasyon na pinasok ng hindi pa nakikilalang suspek ang bahay ng mag-asawa dahil sa nakitang sirang pinto sa kusina ng bahay, habang kahit ang ilang kagamitan sa loob ng bahay ang sinira rin.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa krimen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here