CAGAYAN DE ORO CITY – Sinunog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit dalawang libong gramo ng shabu at marijuana sa pasilidad ng isang funeral home sa Cagayan de Oro City.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni PDEA Region 10 regional director Jigger Montallana na ang pagsira ng higit P14 milyon na iligal na droga ay alinsunod sa probisyon ng Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2022) kapag ang napagdesisyunan na ang mga kaso na nakahain sa magkaibang drugs courts sa bansa.
Sinabi ni Montallana na layunin nang pagsira ng mga droga na ito na pigilan na magamit pang muli ng mga sindikato para ibenta na naman sa publiko.
Sumaksi rin sa illegal drug destruction ang kumakatawan ng PNP at mismong si Regional Trial Court (RTC) Branch 23 Presiding Judge Arthur Abudiente na nasa likod ng maraming illegal drug case convictions sa mga akusado na dumating sa kanyang hawak na sala.
Una rin nito,sinabi ni Abudiente na mas gugustuhin pa niya na ibalik ang death penalty sa mga taong nasa likod ng drug trafficking katulad sa kapanahonan ni dating President Ferdinand Marcos Sr na mayroong isang banyaga na nasangkot ng iligal na droga na isinailalim ng firing squad.