-- Advertisements --

P120M halaga ng shabu, nakumpiska mula sa isang South African national sa Mactan airport

Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang isang South African national matapos itong naharang sa Mactan Cebu International airport kagabi, Pebrero 1, kung saan nasabat ang P120 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang naaresto na si Pietro Aliquo na lumipad ng Cebu mula sa Doha, Qatar.

Agad na rumesponde ang Philippine Drug Enforcement Agency-7 Airport Interdiction Unit (AIU) at K9 Unit kasama ang Bureau of Immigration, PNP AVSEU, NBI, and MCIAA ESSD-APD dahil sa kahilingan ng Bureau of Customs Port of Cebu-Subport of Mactan matapos matukoy sa pamamagitan ng xray ang mga kahina-hinalang bagay na nakatago sa isang briefcase at dalawang check-in na maleta ng dayuhan.

Sa masusing pagsusuri, nadiskubre ang kabuuang sampung pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 17,699 gramo na nagkakahalaga ng P120,353,200 sa mga hidden compartments.

Nahaharap ngayon si Aliquo ng kasong paglabag sa section 4 o importation of dangerous drugs ng Republic Act 9165.