Aabot ng hanggang P120 million ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Pepito, ayon kay Department of Agriculture Sec. William Dar.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Dar na pinaka-apektado sa pananalasa ng bagyo ang mga pananim sa Northern at Central Luzon.
Bukod sa palayan, apektado rin sa nagdaang bagyo ang mga tanim na mais at gulay.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Dar ang tulong para sa mga apektadong magsasaka.
May nakalatag aniya silang programa para tulungan ang mga magsasakang ito na makabangon ulit.
“Handa naman kami na magbigay ng mga quick response support kagaya na lamang ng mga buto. Nakahanda na po sa mga affected regions ang 91,000 bags of rice; 3,800 bags of corn; at 384 kg of vegetable seeds para makapag-replant kaagad,” ani Dar.