DAVAO CITY – Bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sirain ang illegal na druga at mga kontrabando at sumunod sa guidelines ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, pinanguhan ni Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office XI DIR AILEEN T LOVITOS at PBGEN BENJAMIN SILO JR., Regional Director, Police Regional Office Xi sa pamamagitan ng kanyang representante na si PCOL THOR VALIENTE P CUYOS, Officer-In-Charge, Deputy Regional Director for Operations ang pagsunog sa mga illegal na druga na isinagawa sa Philippine-Japan Active Carbon Corporation, Malagamot Road, Panacan nitong lungsod.
Kabuuang 771.0722 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P11,566,083 at 2,109.5838 grams ng Cannabis sativa o “marijuana” na nagkakahalaga ng P253,150.056 o may kabuuang P11,819,233.056 ang kanilang sinunog.
Sinaksihan ito nina Hon. Emmanuel Carpio, Executive Judge, Regional Trial Court, Branch 16 ng Davao City, Pros. Jhoppe S. Avanceña, Chief, City Prosecutors Office, Atty. Suseyline B. Abtarul, Chief, Public Attorney’s Office, Hon. Eduardo Alterado, Barangay Captain ng Barangay San Antonio.
Ginawa ang pagsunog sa mga illegal drugs para mawala umano ang espekulasyon sa publiko na nire-recycle ang mga illegal drugs ng law enforcement agencies.
Una nito, pinasalamatan ni PDEA Dir. Aileen T. Lovitos ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan, Philippine National Police, at iba pang law enforcement agencies, media at kumunidad sa walang tigil na pagsuporta para labanan ang illegal drugs.
Hindi umano titigil ang mga otoridad sa paghabol ng mga kriminal at mga nasasangkot sa parehong illegal na aktibidad.










