-- Advertisements --
Naglaan ang pamahalaan ng P106.335 billion para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayong taon ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Ang kasalukuyang halaga ay halos P4 billion ang pagtaas mula sa P102.610 billion na alokasyon para sa 4Ps noong nakallipas na taon.
Ang alokasyon para ngayong taon ay saklaw ang 4.4 million Pilipinong kwalipikado sa ilalim ng programa. Ang bawat isa sa kanila ay makakatanggap ng P750 kada buwan para sa health subsidies at P400 kada buwan para sa rice subsidies.
Sakop din sa pondo ang mahigit 7 million estudyante na makakatangga[ ng P300 hanggang P700 buwanang educational subsidy. (With reports from Bombo Everly Rico)