Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang 3 parcel na naglalaman ng halos 15 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P103 million sa Port of Clark ngayong araw ng Sabdo.
Ang naturang parcel ay nanggaling sa Texas, Pennsylvania, at Illinois, USA na inisyal na idineklara bilang brochures.
Nabulgar ito matapos ang ilang suspetsya na naglalaman ng illegal substance ang naturang parcel kung kayat isinailalim ito sa x-ray at pisikal din na ininspeksiyon.
Nagresulta naman ito sa pagkakadiskubre ng mga awtoridad ng white crystallized substances na kalaunan ay nakumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency na Shabu.
Ito na ang ikalawang kargamento ng drugs mula Amerika na naharang sa Port of Clark kasunod ng pagkakasabat noong Martes sa 8 package na naglalaman ng mahigit P56 million halaga ng shabu na dinisguise bilang dry food.