-- Advertisements --
FB IMG 1625037354420

Hawak ngayon ng Bureau of Customs (BoC) ang mga smuggled na sibuyas na nagkakahalaga ng P10 million.

Ang mga kontrabanbo ay naharang ng Manila International Container Port (MICP) sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng BoC, X-ray Inspection Project (XIP) at Enforcement and Security Service (ESS) noong June 28, 2021.

Nasabat ang mga kontrabando sa pamamagitan ng pag-iisyu ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) sa dalawang shipments na nakapangalan sa E. Austero Merchandising na mula sa bansang China at idineklarang ice cream.

Lumalabas na isinilid ang mga kontrabando sa ice cream containers.

Nilabag ng mga nagpadala ng mga kontrabando ang Section 1113 na may kaugnayan sa Section 1400 ng Republic Act (RA) 10863 o mas kilalang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). 

Sa isang statement, muling iginiit ni MICP District Collector Romeo Allan R. Rosales ang commitment ng BoC para mapigilan ang pagpasok ang lahat ng illegal goods kabilang na ang Agricultural products na dapat ay para sa human consumption at walang kaukulang permits para siguruhin ang ang kaligtasan ng mga naturang items. 

Ang examination sa mga sibuyas ay isinagawa ng Section 1A ng Formal Entry Division ng MICP at sinaksihan mismo ni MICP District Collector Romeo Allan R. Rosales kasama ang mga opisyal ng CIIS, XIP at ESS.