Iprinisinta ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang panukalang P10.5-bilyong badyet ng Office of the President para sa 2025 sa harap ng House Committee on Appropriations.
Sinabi Bersamin na ang halagang ito ay 1.88 porsiyentong mas mababa kaysa sa 2024 na badyet ng OP.
Sa pagpapatuloy ng masusing pagsusuri sa panukalang 2025 national budget, tinapos ngayong araw ng Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Ako Bicol party-list Representative Elizaldy Co ang kanilang deliberasyon sa panukalang budget ng Office of the President (OP) alinsunod sa tradisyon ng Kamara sa pagbibigay ng parliamentaryong courtesy.
Pinahintulutan naman ng panel ang mga miyembro ng minority at Makabayan bloc na gumawa ng kanilang mga manifestations kaugnay sa badyet ng OP bago ang pagsuspinde ng budget hearing.
Siniguro naman ni Bersamin na sa kabila ng pagbaba ng kanilang pondo hindi naman ito maapektuhan ang kanilang operasyon.