Aabot sa P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa apat na suspek sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Kabilang sa naaresto ang target ng operasyon na si alyas Pandoy.

Ayon sa kapulisan, galing sa Bicutan ang droga na ginagamit at ibinebenta sa iba’t-ibang barangay ng Quezon City.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga naarestong suspek.