Aabot sa P1-bilyong halaga ng sigarilyo at gamit sa paggawa nito ang sinira ng Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos matunton ang ilang iligal na pagawaan sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Ariel Gubala, sa isang waste disposal sa Cagayan de Oro City sinira ang mga makina at sigarilyong nakumpiska.

Galing ang mga ito sa manufacturing facilities na nadiskubre ng BIR sa Misamis Oriental at Leyte.

“The destruction activity, spearheaded by the BIR Operations Group and its Strike Team, was witnessed by representatives from the Commission on Audit, National Bureau of Investigation, local government units, local press and revenue regional offices,” ani Guballa.

Dati ng sinabi ng ahensya na karamihan sa mga makinang ginagamit sa pagpuslit ng smuggled cigarettes ang galing China.

Kaya sa nakaraang kasunduan na nilagdaan ng Pilipinas at Beijing, pinaigting ang pagbabantay ng Bureau of Customs ng dalawang bansa sa shipment ng mga hindi otorisadong produkto ng sigarilyo.