Libu-libong sako ng smuggled yellow onions o sibuyas na nagkakahalaga ng P1.9 million ang nakumpiska ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Bureau of Customs (BOC) sa ikinasang operasyon sa Tondo, Manila.
Kasama din sa naturang operasyon ang mga tauhan ng Department of Agriculture, Bureau of Plant Industry at Philippine Coast Guard.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang naturang operasyon ay may kaugnayan sa RA 10611 “Food Safety Act of 2013” batay sa inilabas na Letters of Authority (LOA) na inilabas ni Bureau of Customs Acting Commissioner Yogi Filemon Ruiz na nagresulta sa pag kumpiska sa nasa 1,037 bags na sibuyas na dilaw na agad namang naiturn-over sa Bureau of Plant Industry para sa gagawing inventory and proper disposition.
Sa kabilang dako, pinuri naman ni NCRPO chief, PBGen. Jonnel Estomo ang matagumpay na joint law enforcement operations
“While there is a soar in the price of onions and possible shortage, some are taking advantage of the situation and imported illegally. Hindi po natin hahayaan ang mga mapagsamantala na gamitin at pagkakitaan ang ating mga kababayan. Ang kapulisan ay handang makipagtulungan upang masawata ang iba pang smuggled goods naipapasok sa ating bansa lalong lalo na sa Metro Manila. ” pahayag ni Estomo.