Inihayag ng Project Ugnayan, na binubuo ng mga top business groups sa kooperasyon ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) at Caritas Manila, na umabot na sa P1.62 billion ang kabuuan ng ‘pledged donations’ na ‘in cash’ at ‘in kind.’

“We are absolutely grateful by the overwhelming response of the private conglomerates in extending their support to those who need help the most. This has enabled us to raise our initial target of helping 1 million to 1.5 million families and make a difference in the lives of some 7.5 million individual residents that have been economically displaced by the ongoing Enhanced Community Quarantine in Greater Metro Manila,” ayon kay Guillermo M. Luz., project spokesperson at Chief Resilience Officer ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF).

Ayon kay Luz, layunin ng proyekto na mapagkalooban ng P1,000 halaga ng grocery vouchers ang mga mahihirap na pamilya na hindi makapagtrabaho dahil sa ipinatutupad na ‘enhanced community quarantine.

“In the last 10 days, our partner Caritas Manila was able to distribute grocery vouchers to 218,119 families in economically-vulnerable communities in Greater Metro Manila as of end March, reaching some 1,090,595 individual residents. We hope to reach over 300,000 families in the coming days,” ani Luz.

Ang Caritas Manila network ay kinabibilangan ng Dioceses of Manila, Antipolo (Rizal), Cubao, Imus (Cavite), Caloocan, Malolos (Bulacan), Novaliches, Paranaque, Pasig, at San Pablo (Laguna) na binubuo ng 628 parishes.

Maliban sa Project’s first two channels –hinikayat ng Caritas’ Project Damayan at ABS-CBN’s Pantawid ng Pagibig, Project Ugnayan ang Asian Development Bank at pamahalaan na maabot o mapalawak ang makakatanggap ng tulong.

Ang unang bulto ng donasyon na nakalap ng Ugnayan Project ay mula sa Aboitiz Group, ABSCBN/First Gen, Alliance Global Group & Megaworld, Ayala Corporation & Zobel Family, AY Foundation & RCBC, Bench/Suyen Corp, Century Pacific, Concepcion Industrial, DMCI Group of Companies, Gokongwei Group of Companies/Robinsons Retail Holdings, ICTSI, Jollibee, Leonio Group, Mercury Drug Corporation, Metrobank, Nutri-Asia, Oishi/Liwayway Marketing Group, PLDT/Metro Pacific Investments Corporation, Puregold, Ramon S. Ang & Family, SM/BDO, Sunlife of Canada, at Unilab.

Nakatanggap din ng karagdagang donors mula sa AlphaLand, Cebuana Lhullier, Chito Madrigal Foundation, Coca Cola, Glorious Commercial Exports, Inc., FEU, First Life Financial Company, Focus Global, One Meralco Foundation, Penshoppe, PepsiCo/PepsiCo Foundation, Shang Properties, Inc., at TAO Corporation.