-- Advertisements --

Aabot sa mahigit P1.6 bilyon na halaga ng hinihinalang droga ang nakumpiska sa dalawang Chinese National sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

Sa pag-iimbestiga ng Bureau of Customs (BOC), dumating ang cargo noong Oktubre 24 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na idineklarang “work bench tables” mula sa Malaysia.

Matapos na dumaan sa x-ray at suriin itong mabuti ay nakita na mga hinihinalang mga shabu na nakalagay sa Tea bag na may timbang na 240 kilos at nagkakahalaga ng P1.6-B.

Ikinasa agad ang operasyon sa BOC-NAIA, PDEA at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ng tuntunin ang naka-address sa package at dito naaresto ang dalawang Chinese mula sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad kung sino ang nasa likod ng pagpapadala ng iligal na droga.