Tinatayang aabot sa P1.6-bilyon ang halagang kakailanganin para mapalitan ang daan-daang classrooms na naapektuhan ng magkakasunod na lindol sa Mindanao kamakaialan.

Ito ang sinabi ng Department of Education (DepEd) matapos matukoy na nasa 500 classrooms ang nasira dahil sa pagyanig ng tatlong malalakas na lindol noong nakaraang linggo.

Habang nasa 700 naman ang nagkaroon ng major damage.

Ayon kay Education Usec. Nepomuceno Malaluan, posibleng abutin ng higit isang taon bago maibalik ang mga gusali na tinatayang nasa P2.5-milyon ang halaga.