-- Advertisements --

Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs’ (BOC) – Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong shop na sinasabing nagbebenta ng smuggled Personal Protective Equipment (PPE) sa lungsod ng Maynila.

Batay sa utos ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, kinumpiska ng mga operatiba ang mga PPE na kinabibilangan ng gloves, facemasks (surgical and N95) at goggles.

Aabot sa P15 million ang kabuuang halaga ng mga ito, base sa umiiral na presyuhan sa merkado.

Pangamba ng mga otoridad, baka magdulot ng panganib sa mga gagamit ang naturang PPEs dahil hindi nasuri ang kalidad ng mga ito.

Mahaharap naman sa patung-patong na kaso alinsunod sa Customs Modernization Act (CMTA) ang mga may-ari ng nasabing kargamento.