-- Advertisements --

Ibinunyag ngayon ni US President Donald Trump na wala na itong balak na tumakbo pa sa ikatlong pagkakataon.

Ang nasabing pahayag ay tila pagkabig sa unang sinambit niya na ikinokonsidera niya ang muling pagtakbo sa ikatlong termino.

Sinabi nito na magiging walong taon na itong pangulo at dalawang termino na at ito ay mahalaga na.

Inamin nito na maraming mga tao ang humihingi na siya ay muling tumakbo.

Ilan sa mga napipili niyang papalit sa kaniya ay sina Vice President JD Vance at si Secretary of State Marco Rubio.

Nakasaad sa 22nd Amendments ng US Constitution na hindi maaring mahalal ng mahigit dalawang beses ang pangulo.