Bagaman welcome para sa mga magsasaka ang naging hakbang ng Mababang kapulungan ng Kongreso na maglaan ng P1.5billion na halaga para sa pagbili ng bakuna laban sa ASF, sinabi ng grupo ng mga magsasaka na kukulangin ang naturang pondo.
Ayon kay Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. president, Danilo Fausto, ang naturang halaga ay hindi sapat para sa kabuuang hog industry ng bansa.
Gayonpaman, maaari na aniya itong gamitin para sa pagsisimula muli ng mga magbababoy na labis na naapektuhan ng ASF.
Ayon kay Fausto, malaki ang pangangailangan na masundan din ang naturnag pondo upang maging available ang bakuna sa mga backyard raisers.
Maalalang inilipat ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kabuang P1.5 billion na pondo mula sa kontrobersyal na confidential funds ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan, kung saan bahagi ng malaking bulto ng confidential funds ay inilaan sa DA.
Katwiran ng mga mambabatas, kailangang mapagtuunan ng pansin ang hog industry ng bansa na labis na naapektuhan sa ilang taon na pananalasa ng ASF sa mga babuyan.
Una na ring sinabi ng DA na may isang bakuna kontra-ASF ang kanilang inirekomenda sa Food and Drugs Adminiostration(FDA) at sa ngayon ay hinihintay pa ang desisyon ng naturang ahensiya.
Ang naturang bakuna ay galing sa bansang Vietnam.