-- Advertisements --

Aabot sa P1.5-bilyon ang pondo na kailangan ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) para sa paghost ng bansa ng 2023 FIBA Basketball World Cup.

Sinabi ni SBP vice-president Ricky Vargas na ang nasabing halaga ay 40 percent lamang sa kabuuang P3.7 bilyon na unang hinihingi ng organizing committee kung saan ang 60 percent nito ay sasagutin ng mga private sectors.

Paliwanag pa nito na ang nasabing gagastusin ng gobyerno ay makakatulong sa ekonomiya dahil sa gagamitin ito sa operating expenses gaya ng accomodation, transporation, security at allowance ng mga volunteer.

Sakaling maaprubahan ay idadaan ang pondo sa Philippine Sports Commission (PSC) at sila na ang magbabahagi sa SBP.

Nauna ng nagbigay ng suporta si PSC chairman Noli Eala sa hosting ng bansa ng nasabing torneo.

Gaganapin ang 2023 FIBA Basketball World Cup mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023 na bukod sa Pilipinas ay kasama ang Japan at Indonesia.