Sumama na rin si Archbishop Martin Jumaod ng Ozamiz na nananawagan na dapat magkaroon ng live coverage at streaming ng pagbasa ng hatol sa mga sangkot sa Maguindanao Massacre sa darating na Disyembre 19.

Ayon pa sa Obispo, nais nilang marinig kung ano ang maaring ihatol na ng korte.

Magugunitang ilang grupo ang nanawagan na rin sa Supreme Court na i-cover ang nasabing kaganapan para sa mga kaanak ng biktima na hindi makadalo sa nasabing paghatol.

Maging ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ay humiling din sa Korte Suprema na payagan ang communication agencies ng gobyerno na i-cover ang event.