-- Advertisements --

Sa pagdinig ng House committee on overseas workers affairs, sinermunan ni House Committee on Labor chairman Eric Pineda si Cacdac dahil sa natenggang overseas Filipino workers sa quarantine facilities sa Metro Manila.

Ayon kay Pineda, marami sa natitira pang 24,000 OFWs sa Metro Manila ay matagal nang lumabas ang Covid-19 test results kung saan negatibo sila.

Inamin ni Cacdac na sila ang in-charge dito at idinahilan ang limitadong transportasyon kaya natagalan ang pagpapauwi sa mga OFWs sa kanikanilang mga lugar.

Pero iginiit ni Pineda na maraming paraan na pwedeng gawin ang OWWA dahil may mga sasakyan naman ang gobyerno na magagamit lalo na para sa mga hindi kailangang sumakay ng eroplano.

Kaya aniya lumalaki ang gastos ng OWWA sa hotel accommodation at pagkain ng mga OFWs dahil sa matagal na nananatili sa Metro Manila.

-- Advertisement --