-- Advertisements --

Naglaan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga Pilipino sa Shanghai, China na apektado ng ipinapatupad na lockdown.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, ang naturang pondo ay ilalaan para sa food assistance ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at mga nadapuan ng COVID-19.

Makakatanggap ang bawat Pilipino ng $200 para sa food assistance at karagdagang $200 ang mga infected ng COVID-19.

Saad ni Cacdac na humigit kumulang 500 hanggang 600 Pilipino ang lumapit na sa konsulada na mabibigyan ng ayuda mula sa naturang pondo.

Sa mahigit isang buwan, ang mga mamamayan sa Shanghai kung saan nasa 4000 Pilipino ay kasalukuyang apektado ng lockdown dahil sa COVID-19 surge.