LEGAZPI CITY – Nakikipag-ugnayan na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga opisyal sa Kuwait upang alamin ang sitwasyon ng mga Bikolanong nagtatrabaho sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay OWWA Bicol Communications Officer Rowena Alzaga, bukas ang linya nila sa pag-contact ng mga OFW sa tulong mga naiwang pamilya ng mga ito sa Pilipinas.
Ikinalungkot naman ni Alzaga ang pagkamatay ni Jeanalyn Villavende sa kamay ng Kuwaiti employer habang umaasang nasa maayos na lagay ang iba pang kababayan.
Samantala, ibinahagi ni Alzaga na hindi lamang sa Kuwait ang may mga Pilipinong nagrereklamo ng pang-aabuso kundi maging sa Riyadh, Saudi Arabia.
Kahapon lang nang isang ina na residente ng Brgy. Binanuahan sa Legazpi City ang nagpapasaklolo sa anak na biktima umano ng maltreatment ng amo.
Nangako naman ang OWWA na idadaan sa tamang proseso ang hakbang kung maaring hindi na nito tapusin ang kontrata sa employer at mailipat sa ibang amo.