-- Advertisements --

Aminado si Vice President Leni Robredo na maging ang kanyang tanggapan ay nahirapan din sa pagbili ng personal protective equipment (PPEs) mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic.

Kaya naman agad daw sinulit ng Office of the Vice President ang pagkakataon nang magsimula ring magsulputan ang mga locally-produced PPEs.

“Pero iyong problema namin noon, kasi sabay-sabay. Parang kalaban mo iyong buong mundo. So there were times when we had the money already but supply was not coming in—we had Customs problems, etc. etc.”

“That was the time we decided to do locally-produced PPEs already. Noong nag-locally-produced kami, mas naging mura pa. Mas naging mura pa iyong locally-produced and we were able to help many communities, not just one, we’re able to help many communities and until now, we’re still helping them out.”

Ang pahayag na ito ng bise presidente ay tugon din sa issue ng Department of Health (DOH), kung saan pinagpapaliwanag sila ng Office of the Ombudsman hinggil sa naging procurement ng PPEs.

-- Advertisement --

Unang naglabas ang OVP ng P5.9-milyong budget para sa PPEs, pero nang mabatid daw ng tanggapan na kulang ito ay agad silang naglunsad ng donation drive.

Sa huling tala ng tanggapan ni VP Leni, nakalikom ito ng higit P60-milyong donasyon, na tuloy-tuloy pa ring ginagamit para sa ilang tulong sa COVID-19 response ng OVP.

“I cannot comment on the amount or the cost of PPEs given out by DOH kasi I’m not privy to what kind of PPEs they are. Iyong sa akin lang, iyong sa amin.”

“If I remember right, when we were still not producing locally, parang iyong set of PPEs which consists of everything—from head covers to shoe covers, disposable gowns, etc.—we were sourcing them from outside… These were medical-grade PPEs.”

Para kay VP Leni, huli na ring umaksyon ang pamahalaan kaya hindi ito agad nakapag-imbak ng PPEs para sa frontliners.

“When we were starting… when we were just starting sourcing the PPEs outside, medyo mura pa, magaan pa. Naging mahirap siya towards the end of March already, eh. So I think, na-late tayo kaya ganoon na kamahal, ganoon na kabagal.”

Sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso noong June 2, nakasaad na P12.1-bilyon na ang halaga ng nagastos ng pamahalaan para sa higit 6-milyong sets ng PPEs.