-- Advertisements --
OVP

Malugod na binati ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kanyang mga kasamahan sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo magmula sa Central Office hanggang sa mga Satellite Offices nila sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sa ika-88th anniversary ng tanggapan.

Nagpasalamat ang bise presidente sa lahat ng bumubuo ng OVP, kabilang na ang lahat ng mga dating Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Ani Duterte, ang mga dating bise presidente ang nagsimula, nagtayo, at nagpatibay sa Office of the Vice President. Dahil sa sipag, talino, at matatag na pamumuno, naging mahalagang bahagi umano ng kasaysayan ng Pilipinas at ng buhay ng mga Pilipino ang Office of the Vice President.

Kasabay nito, inihayag ni Duterte na hangad niya ang ikauunlad ng bansa at pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat Pilipino. Kinilala rin ni Duterte ang mga patuloy na sumusuporta at nananatili sa tabi ng tanggapan ng pangalawang pangulo sa kabila ng mga kinakaharap na hamon. Sigurado pa rin umano si Duterte na magtatagumpay siya sa kanyang mga hangrain sa bayan.