-- Advertisements --

Hindi nagtagal ang budget deliberation ng Office of the Vice President (OVP) na umabot lamang ng nasa mahigit 30 minuto na agad tinapos ng Committee on Appropriations.

Nasa P2.385-billion ang proposed budget ng Office of the Vice President para sa fiscal year 2024.

Tinapos ang budget briefing ng walang nagtanong na mga mambabatas.

Si Senior Majority Leader Sandro Marcos, ang nag motion para i-terminate ang deliberasyon.

Ito ay bahagi ng “long-standing tradition” na binibigyan ng parliamentary courtesy ang OVP.

Nasa 21 mambabatas ang bumuto pabor sa mosyon ni Representative Marcos.

Umalma naman ang tatlong Makabayan bloc members sa naging mosyon.

Inakusahan ng Makabayan bloc lawmakers ang Komite sa pambubusal.

Nais kasi ni ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro na ipaliwanag ni Vice President Sara Duterte hinggil sa P125-million confidential fund na ginastos ng OVP nuong 2022.

Personal naman na dumalo si Vice President Sara Duterte kung saan nagbigay ito ng briefing kaugnay sa mga programa at accomplishment ng OVP.