-- Advertisements --
metrobank
Metrobank Foundation president Aniceto Sobrepeña takes the stage with Metrobank Most Outstanding Filipinos at Marquis Events Place in Taguig City.

Binigyang-pugay ng Metrobank Foundation ang sampung natatanging Pilipino sa larangan ng akademya, military at police sector.

Isa sa mga teacher-awardee ngayong taon ay mula sa higher education. Ito ay si Ricardo Jose, propesor sa University of the Philippines Diliman at tinuturing na “Foremost World War II Historian” ng bansa.

Sa elementary level naman ay napili si Dorothy Tarol, isang Special Education teacher at guidance counselor mula sa Special Eduxtion-Integrated School of Exceptional Children (SPED-ISEC) sa Iloilo City.

Isa rin si Tarol sa naglunsad ng “Ang Pagbasa, May Pag-asa” program.

Bagama’t hirap ang pandinig, hindi naging hadlang ito para sa guro na magsilbing inspirasyon sa kaniyang mga estudyante na sa kabila ng kapansanan ay maaari pa rin itong makatulong upang mapagbuti ang buhay ng ibang tao.

Tatlo naman ang pinili para sa police sector. Tulad na lamang ni Police Chief Master Sergeant Marsha Agustin mula sa Women and Children Protection Center na isa sa nakipaglaban upang matigil ang human trafficking sa bansa.

Hindi rin nagpahuli rito ang tatlong sundalo na pinarangalan din ng Outstanding Filipino Awardee. Ito ay sina Master Sergeant Ramil Caporas (Marawi’s Lead Explosive Ordinance Disposal Expert), Major Romulo Dimayuga II (Philippine Navy’s Special Operations Warfighter), at Lieutenant Colonel John Paul Baldomar (AFP’s Community and Organizational Transformation Warrior).

Ang Metrobank Outstanding Filipino Award ay isa sa prestihiyosong career-service award kung saan pinararangalan ang mga indibidwal na naging magandang ehemplo sa kani-kanilang propesyon at hindi nagpatinag sa kabila ng mga hamon.

Bawat isa ay tatanggap ng P1 million cash prize, tropeyo at gold medallion.