Muling bumaba ang output level ng manufacturing sector sa Pilipinas sa harap nang pagsipa ng mga COVID-19 cases na siyang dahilan nang pagsuspinde ng mga factory sa kanilang operations at pagbaba rin ng demand.
Base sa datos ng international think tank na IHS Markit, bumaba sa 49.0 ang Purchasing Managers’ Index (PMI) noong Abril mula sa 52.2 mark noong Marso.
Nagpapakita lamang ang pagbaba ng numerong ito na nagkaroon ng “marginal contraction” sa operating conditions ng manufacturing industry sa Pilipinas.
Nabatid na ang PMI ng bansa ay tumutukoy sa lagay ng manufacturing sector nito.
Sinabi ng IHS Markit na ito ang unang pagkakataon na ang headline index ay bumaba sa 50 neutral level makalipas ang tatlong magkakasunod na buwan na paglago.
Magugunita na inilagay ang National Capital Region (NCR) Plus sa ilalim ng enhanced community quarantine mula Marso 29 hanggang Abril 11 dahil sa surge ng COVID-19 cases.
Isinailalim naman sa modified enhanced community quarantine ang NCR PLys mula Abril 12 hanggang Mayo 14, dahilan para magkaroon ulit ng mobility restrictions.