Hiniling ni outgoing National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr sa National Telecommunication Commission (NTC) na i-sut down ang nasa 25 websites na may kauganayan umano sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Sa isang sulat na ipinadala kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, umapela si Esperon sa NTC na mag-isyu ng isang legal instrument para atasan ang Philippine Internet Service Providers (ISPs) na i-block ang access ng mga websites na affiliated umano at nagbibigay ng suporta sa mga teroristang grupo.
Kabilang dito ang websites ng CPP founder na si Jose Maria “Joma” Sison, National Democratic Front of the Philippines (NDF), Official Publication of the NDF, at ang Philippine Revolution Web Central (PRWC) o ang website ng CPP.
Kasama din sa listahan na pinapa-shut down ang websites ng progresibong grupo at independent media organizations gaya ng Bulatlat, Pinoy Weekly, Save Our Schools Network, Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), Rural Missionaries of the Philippines, Pamalakaya Pilipinas, at AMIHAN National Federation of Peasant Women.
Gayudin ang websites ng Hiyaw, PRWC Newsroom, Revolutionary Council of Trade Unions, Compatriots-Revolutionary Organization of Overseas Filipino and their Families, UMA Pilipinas, Arkibong Bayan, International League of People Struggle, Counter Punch, International Action Center, Monthly Review, People’s March, Taga-Ilog News, Partisa-News, at People Resist News.
Iginiit ni Esperon na dapat ng matuldukan ang mga aktibidad gaya ng recruitment, pagpopondo at propagnda ng naturang mga komunistang grupo.