-- Advertisements --
felipe

Opisyal nang nagpaalam si outgoing Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla, matapos siyang mag-courtesy call kay Pang Ferdinand Marcos Jr.

Kasama ni Medalla na bumisita sa Malakanyang ay ang kasalukuyang BSP Deputy Governor na si Bernadette Romulo – Puyat.

Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kay Medalla kasabay ng pagbibigay diin nito sa ginampanang papel upang mapagaan ang epekto ng inflation o bilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayad sa mga serbisyo.

Maalalang una nang napili ni ni Pang. Marcos si Eli Remolona na papalit kay Medalla.

Si Remolona ay dati nang nagsilbi sa ibat ibang kapasidad sa iba’t ibang sektor na kinabibilangan ng economic policy, international finance, at financial markets.

Epektibo naman bukas ang huling araw ni Medalla bilang BSP Governor.