ROXAS CITY – Itinalaga ang Roxas Memorial Provincial Hospital (RMPH) bilang coronavirus disease (COVID-19) referral facility sa lalawigan ng Capiz.

Ito ang inihayag mismo ni Provincial Health Office Dr. Leah Del Rosario kasunod ng naitalang unang kaso ng nagpositibo sa (COVID-19) sa lalawigan.

Ayon sa opisyal, nararapat lamang na ma-contain sa iisang lugar ang mga Persons Under Investigation (PUI’s) sa lalawigan upang maiwasang lumaganap ang naturang virus.

Aniya kung may designated hospital upang maging COVID-19 referral facility ay hindi na rin mahihirapan pa sa pag-distribute ng mga resources na gagamitin para sa mga PUI’s.

Ipinasiguro rin ng opisyal na patuloy ang contact-tracing ng mga health authorities sa mga ka-trabaho, pamilya at iba pang frontliners at medical staffs na nakasalamuha ng lalaking nagpositibo sa naturang sakit sa lalawigan.