Pansamantalang itinigil ng Ospital ng Sampaloc ang pagtanggap ng mga pasyenteng tinamaan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kahapon lamang nang ianunsiyo ng naturang ospital na naabot na nila ang kapasidad dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng covid sa bansa.
Base sa kanilang advisory, hindi na raw kayang mag-accomodate ng ospital ng pasyente lalo na ang mga mayroong COVID-19.
Una nang inanunsiyo ng naturang ospital na puno na ang kanilang ward para sa COVID-19 patients.
“The current surge has taken its toll on our institution. Thus, we regret to inform the public that as of today, August 28, 2021, our institution is operating on full capacity and we can no longer accommodate COVID-19 patients needing hospital admission,” base sa advisory.
Kung maalala kahapon din nang maitala ng Department of Health (DoH) ang record-hight covid case na 19,441 fresh cases at mayroong 142,679 active cases.